AFP, nananatili raw’ng tapat sa Konstitusyon sa kabila ng pagtanggal sa bise presidente at mga dating pangulo sa NSC

AFP, nananatili raw’ng tapat sa Konstitusyon sa kabila ng pagtanggal sa bise presidente at mga dating pangulo sa NSC

MANANATILI raw na tapat sa paglilingkod sa bayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na tanggalin sa National Security Council (NSC) si Vice President Sara Duterte kabilang ang mga dating pangulo ng bansa.

Ang nasabing pahayag ng AFP ay kasunod ng espekulasyon na apektado umano ang AFP sa ginawang reorganization sa NSC.

Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na buo at nagkakaisa ang sektor ng seguridad.

“In terms of whether there is a rift ano, this is classic case of political intrigue, this narrative holds no water and what we can say sir is that the security sector is united under the umbrella of, to the chain of command,” ayon kay Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.

Sabi niya, sila ay propesyonal at tapat sa Konstitusyon at sa watawat ng Pilipinas.

Dating kadre, hindi naniniwala na nagkakaisa ang AFP sa pagtanggal kay VP Sara sa NSC

Pero para kay Jeffrey “Ka Eric” Celiz, dating national intelligence officer ng komunistang teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF, hindi siya naniniwala na buo ang opinyon ng AFP kaugnay sa ginawang pagbabago sa NSC.

“I don’t believe that there is an absolute unity among the ranks of officers and and the personnel of the AFP dito sa ginawang very controversial decision na pagpapalabas ni Bongbong Marcos Jr. na Executive Order 81,” saad ni Jeffrey “Ka Eric” Celiz, Former Intel Officer, Kadre, CPP-NPA-NDF.

Aniya, sa tagal niyang naging consultant ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay nakagawa na siya ng mga ugnayan sa loob ng AFP at mayroon umanong mga aktibong opisyal ang nagpapahayag sa kaniya ng ibang opinyon patungkol sa nasabing isyu.

“In absolute truth, hindi naman totoo ‘yan na walang pumupuna at walang nagkaroon ng diskontento una, bakit ko sinasabi, sapagkat may naririnig din ako at at may kumakausap din sa akin na masyadong na-politicize o masyadong nagamit as political instrument for political operations against the rivals of Marcos, Romualdez itong nilabas na Executive 81 at coming ito sa mga active officers, hindi ko na babanggitin siyempre na nagkakaroon ng informal sharing sa akin,” dagdag ni Celiz.

Maliban dito, sinabi ni Ka Eric na kung mayroon mang malaking epekto ang Executive Order 81, ito ay ang pagpapahina sa seguridad ng ating bansa.

“Pero alam natin na ang epekto nyan, pinapahina natin ang consensus and broader place of policy making on security matters and agenda na pwedeng i-contribute ng vice president at ng mga former president kung nandyan sila sa loob ng NSC,” ani Celiz.

Kamakailan lang ay nilagdaan ni Bongbong Marcos ang Executive Order No. 81 s. 2024 at ito’y nag-uutos na tanggalin bilang miyembro ng NSC ang bise presidente at ang mga dating pangulo ng bansa dahil umano sa isyu ng seguridad.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble