MANANATILI na tapat sa paglilingkod sa bayan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos na tinanggal sa National Security Council (NSC) si Vice President Sara Duterte.
Ang nasabing pahayag ng AFP ay kasunod nang umuugong na espekulasyon na hati umano ngayon ang mga sundalo dahil sa ginawang pamumulitika ni Marcos Jr.
Sa isang mensahe sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col Francel Margareth Padilla na nanatili umanong nagkakaisa at propesyonal ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas tapat sa Watawat, tapat sa Konstitusyon at tapat sa mamamayang Pilipino.
Matatandaan na nilagdaan ni Bongbong ang Executive Order No. 81 s. 2024 nito lang kamakailan na nag-uutos na tanggalin bilang myembro ng NSC ang bise presidente at ang mga dating pangulong ng bansa dahil umano sa isyu ng seguridad.