NAGHAHANDA na ang pamunuan ng North Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para makiisa sa panawagang malinis, mapayapa at makabuluhang halalan 2022.
Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng safe national and local elections ngayong taon, agad na nagbaba ng direktiba ang matataas na security forces ng pamahalaan, gaya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na dinaluhan rin ng ibat-ibang election advocates.
Ito’y upang tiyakin ang sapat na kahandaan nito sa pagpasok ng opisyal na pangangampanya ng lahat ng political aspirants sa bansa hanggang sa araw ng botohan at deklarasyon ng mga mananalo sa halalan.
Ang AFP North Luzon Command, una nang nangako ng dagdag na pwersa sa mga nakatalagang checkpoints lalo na sa mga lugar na may mataas na banta sa seguridad mula sa bangayan sa politika at paglaganap ng mga armadong grupo.
Ayon kay AFP chief of staff General Andres Centino, regular ang kanilang ugnayan sa PNP para sa pagtukoy sa mga areas of concern tuwing papasok ang panahon ng eleksyon.
Sa probinsya ng Tarlac, nakiisa ang Armed Forces sa ilalim ng 3rd Mechanized Infantry Battalion sa isinagawang unity walk at covenant signing ng ibat-ibang organisasyon, at local government agencies gaya ng COMELEC, DILG, at Provincial police na nagsusulong at nananawagan ng maayos na pagdaraos ng halalan ngayong taon.