AFP, RTU nilagdaan ang MOU na magpapaigting sa pananaliksik at pagpapaunlad sa militar, academic sector

AFP, RTU nilagdaan ang MOU na magpapaigting sa pananaliksik at pagpapaunlad sa militar, academic sector

LUMAGDA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Rizal Technological University (RTU) sa isang memorandum of understanding (MOU) upang mas mapalakas pa ang research and development ng dalawang ahensiya.

Ginawa ang ceremonial signing ng nasabing MOU sa Boni Avenue sa Mandaluyong City.

Ito ay pinangunahan ni Mgen. Arvin Lagamon, Deputy Chief of Staff for Civil-Military Operations, J7, at Dr. Ma. Eugenia Yangco, RTU President.

Ang pakikipagtulungan ng dalawang organisasyon ay nagbibigay-daan na gamitin ang mga makabagong teknolohiya at humimok ng mga diskarte na mapapakinabangan sa pag-unlad ng bansa.

Sa kaniyang mensahe sinabi ni MGen. Lagamon na siya ay umaasa na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ay mas mapatibay pa ang mga hakbangin sa pananaliksik at pagpapaunlad ng militar at academic sector.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble