NILINAW ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nananatiling buo ang kanilang suporta at katapatan sa Konstitusyon at sa chain-of-command ng pamahalaan.
“The President is our commander-in-chief whoever the president is, it’s very clear that we will follow that chain-of-command. Susundan natin ang utos ng commander-in-chief … at klarong-klaro ‘yun sa lahat ng ating mga sundalo,” ayon kay Gen. Romeo Brawner Jr., Spokesperson, AFP.
Linggo ng gabi nang ganapin ang Hakbang ng Maisug Prayer Rally sa Tagum City kung saan nanawagan si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa militar na bawiin na ang suporta nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ni Col. Francel Margareth Padilla, tagapagsalita ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na ang mga sundalong Pilipino, piloto, at marinong Pilipino ay nakatuon sa kanilang tungkulin na pangalagaan ang soberaniya at teritoryal na integridad ng Pilipinas.
“Our duty is to protect the Filipino People and uphold the rule of law, ensuring that peace and development will prevail throughout the nation,” ayon naman kay Col. Francel Margareth Padilla, Spokesperson, AFP.
Samantala, muling nanindigan si AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na mananatiling propesyonal ang organisasyon kahit pa hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng panawagan na bawiin ang suporta sa kasalukuyang administrasyon.
“This is not the first time na nanawagan sila na (they made this call that) we pull out our support to the president but our answer is always the same, that the AFP remains to be a professional organization,” paninindigan ni Brawner.
Nag-ugat ang panawagan ni Alvarez kasunod ng umiinit na tensiyon sa pagitan ng China at Pilipinas kaugnay pa rin ng pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea.
Pinabulaanan din ni Brawner ang isyu na ang administrasyon ni Marcos ang pasimuno ng tensiyon.
“Definitely we are not the ones causing tension in the West Philippine Sea (WPS), it’s the other way around. We are going on with our usual business, our fishermen, our fishing in our Exclusive Economic Zone and the AFP and the coast guard are protecting our fishermen so that they are able to fish in our Exclusive Economic Zone (EEZ),” dagdag pa ni Brawner.