NANANATILING nakatuon ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbuwag sa komunistang-teroristang grupo ngayong taon.
Nangako rin ang AFP na maging matiwasay at mapayapa ang darating na halalan sa buwan ng Mayo.
Ayon kay AFP chief-of-staff Gen. Andres Centino, sa kabila ng limitasyon at restriksyon na dala ng pandemya ay maraming bagay ang naisakatuparan ng organisasyon sa nakaraang taon ng 2021.
Hinikayat naman ni Centino ang mga tauhan nito na patuloy na harapin ang mga hamon sa taong 2022.
“As we move forward onto 2022, I urge every officer, enlisted personnel, and civilian human resource to carry on with the winning momentum into the New Year, and to focus on accomplishing our two most urgent tasks —firstly, in ending the local armed conflict by June 2022; and secondly, in ensuring the conduct of a fair, secure, and peaceful national elections,” aniya.
Aniya, kabilang sa mahalagang nakamit ng militar ang pagpapaigting sa maritime and air surveillance patrol missions sa pinag-aagawang teritoryo ng karagatan, patuloy na modernisasyon, pinaigting na transpormasyon sa organisasyon, at humanitarian assistance and disaster relief operations kasabay ng pakikibaka laban sa COVID-19.
“As such, as your Chief of Staff, I am truly honored and privileged to lead the men and women of the Armed Forces of the Philippines into the New Year with renewed vigor and optimism. My deepest appreciation to the selfless commitment and admirable sacrifices that our troops are continuously exemplifying day in and day out,” ani Centino.