AFP WesCom, nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal

AFP WesCom, nagsagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal

MATAGUMPAY na naisagawa ng AFP Western Command (WesCom) ang kanilang resupply mission sa BRP Sierra Madre (LS 57) sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Dala ng civilian boat M/V Unaiza May ang iba’t ibang pagkain at damit, gayundin ang maintenance at repair equipment upang mapanatili ang kaligtasan ng barko.

Sa ulat ng WesCom, ligtas na nakapasok at nakapagbaba ng kargamento ang bangka at nakalabas ng Ayungin Shoal nang walang anumang hindi inaasahang pangyayari.

Sinabi naman ni AFP WesCom commander Vice Admiral Alberto Carlos na umaasa silang magpapatuloy ang maayos na relasyon sa mga bansang umaangkin sa WPS.

Magpapatuloy rin aniya ang suporta ng WesCom sa morale at kapakanan ng mga sundalo na nagbabantay sa outpost sa Ayungin Shoal.

Follow SMNI NEWS in Twitter