Agarang atensyon sa sektor ng agrikultura, kailangan na para sa food self-sufficiency – PBBM

Agarang atensyon sa sektor ng agrikultura, kailangan na para sa food self-sufficiency – PBBM

SA katatapos lang na inagurasyon, isa-isa inilahad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang kinakaharap na problema ng bansa at kung papaano ito mabibigyang solusyon sa ilalim ng kanyang termino at isa na rito ang sektor ng agrikultura.

Mababatid na pagkain ang pinakamahalaga sa bansa at ngayong iba’t ibang problema ang kinakaharap ay nais ni Pangulong Marcos na masolusyunan ito.

Sa talumpati nito, binigyang-diin ng Pangulo na kailangan ng agarang atensyon ang  sektor ng agrikultura para sa food selfsufficiency lalo’t pagkain ang pinaka-importante sa bansa.

“Food sufficiency must get the preferential treatment the riches free-trade countries always gave their agricultural sectors. Their policy boils down to “Don’t do this, we do. Do what we tell you to.” I’m giving that policy the most serious thought if it doesn’t change or make more allowances for emergencies with long-term effects,” ayon sa talumpati ng Pangulong Marcos.

Ito ay upang maiwasan ang nakaambang krisis sa pagkain, lalo na ngayong apektado ang bansa sa sigalot ng Ukraine at Russia na isa sa pinagkukunan ng agricultural products.

 “Then came Ukraine. The most vulnerable when it comes to food are the countries farthest away from the conflict — those bearing no blame for provoking it. Yet, they face the biggest risk of starvation. If financial aid is poured into them, though it never is, there is nothing to buy,” ayon sa Pangulo.

Samantala, ikinatuwa naman ng SINAG, isang grupo ng mga magsasaka ang naging talumpati ni PBBM na layong solusyunan ang problema sa sektor ng agrikultura.

 “We applaud the statement of the President of doing away with the neo-liberal thinking of comparative advantage of importing at the cheapest cost. It is very clear that supporting local production and local agriculture is the marching order,” pahayag ng SINAG.

Sinabi pa ng grupong SINAG, mas mahalaga ang kabuhayan ng magsasakang Pilipino at ang makakain sa hapag ng bawat Pilipino.

“The new mantra is food self -sufficiency, and not  importation at all cost that has devastated the country in the last three years,” ayon sa SINAG.

Matatandaan, isa rin sa isinisulong ni PBBM ay maipababa ang presyo ng bigas sa halagang P20, mabigyan ng sapat na ayuda ang mga magsasaka at mangingisda.

Layunin nito na muling makabangon ang mga kababayan mula sa nagmamahalang presyo ng bigas na dati na ring naipatupad ng kanyang ama mula sa Masagana 99 at Masagana 200.

Isa rin sa mga pangako ni PBBM sa sektor ay ang pagpapadami pa ng mga food terminals at Kadiwa express sa bawat lugar.

Mababatid na si President Bongbong Marcos ang pansamantang uupo bilang kalihim ng sektor ng agrikultura.

Follow SMNI News on Twitter