KINUMPIRMA ni Migrant Workers Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na 13 Pinoy ang naapektuhan sa Sharjah Tower sa UAE nang sumiklab ang sunog noong nakaraang linggo.
10 OFWs, asawa ng OFW at dalawang mga anak nito ang nasa residential building noong nangyari ang sunog.
Sa kasawiang palad, nasawi ang isang Pinay habang nasa kritikal na kondisyon ang asawa nito na ngayo’y nailabas na rin sa ospital.
Tiniyak ni Cacdac ang agarang repatriation sa mag-asawa.
Sa ngayon ay nananatili sa isang hotel ang iba pang Pilipino na naapektuhan sa sunog.
Kabilang ang Pinay sa limang nasawi sa sunog na naganap sa isang residential building na Sharjah Tower sa U.A.E.
Tumanggi namang magbigay ng detalye si Cacdac sa naging dahilan ng naganap na sunog.
OFW, sugatan sa sunog sa Hong Kong—DMW
Samantala, kinumpirma rin ng DMW na lima ang nasawi nang masunog ang isang residential building sa Kowloon District sa Hong Kong.
Ayon kay Cacdac, 19 ang nasugatan kabilang ang OFW.