Agarang pagtanggap ng cash assistance mula sa gobyerno kung magpaparehistro sa PhilSys, hindi totoo–PSA

Agarang pagtanggap ng cash assistance mula sa gobyerno kung magpaparehistro sa PhilSys, hindi totoo–PSA

SINO nga ba naman ang hindi maeengganyong magparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) o kumuha ng PhilID o ePhilID kung tatanggap ka ng cash assistance.

Tulad na lamang ng post na ito na kumakalat online na nagsasabing tatanggap ng P5,000 na cash assistance ang sinumang magpaparehistro sa PhilSys.

Pero ayon sa Philippine Statistics Authority hindi iyan totoo.

Sabi ng PSA na bagaman ang PhilID o ePhilID ay maaaring gamitin bilang patunay ng pagkakakilanlan sa iba’t ibang transaksyon kabilang ang pag-aaplay para sa mga benepisyo mula sa gobyerno ay dadaan pa rin sa sa mga patakaran at regulasyon ng kinauukulang ahensya upang makakuha ng cash assistance.

“Nais din naming linawin na ang pag-register sa PhilSys kasi ang pagkakaroon ng PhilID o ePhilID ay hindi nangangahulugan na kwalipikado na agad ang sinuman para makatanggap sila ng cash benefit o assistance mula sa gobyerno tulad ng mga social protection program,” ayon kay Fred Sollesta Deputy National Statistician, Philippine Statistics Authority.

Binalaan din ng PSA ang publiko na manatiling maingat sa maling impormasyon tungkol sa PhilSys sa social media at iwasan ang pag-click sa mga kahinahinalang link at pagbibigay ng personal na impormasyon kapalit ng cash.

“Hinikayat namin ang publiko na i-report sa PSA ang kahit anumang impormasyon sa mga indibidwal o grupo na sangkot sa ganitong gawain. So hindi iyan totoo na makakatanggap sila ng cash,” saad ni Sollesta.

Sabi ng PSA na sa ilalim ng RA 11055 o PhilSys Act, maaaring maparusahan ang mga namemeke ng PhilID o mga hindi awtorisadong nag-iimprenta ng nasabing ID at pagmumultahin ng hanggang P500,000.

Sa datos ng PSA, umabot nasa higit 85 milyong Pilipino ang nakapagparehistro sa PhilSys.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble