NASUNGKIT ng Pilipinong Wushu Athlete na si Agatha Wong ang silver medal sa 2023 World Wushu Championships.
Sa unang laban ay parehong nakuha ni Wong at Zeanne Zhi Ning ng Singapore ang iskor na 9.776.
Pero tinalo si Wong matapos ang tiebreak’s at nakuha ni Ning ang gold medal.
Bronze medalist naman si Basma Lachkar ng Brunei na nakakuha ng iskor na 9.770.
Ang 25 taong gulang na si Wong ay nagsimulang maging Wushu athlete sa edad na 8 taon at nakasungkit na ito ng medalya mula sa Asian Games, Southeast Asian Games at iba pang international tournament.
Isinagawa ang 16th edition ng WWC sa Forth Convention Center sa Fort Worth, Texas, USA na nagsimula noong Nobyembre 16-20, 2023.
Samantala, nakatakda namang maging host ng World Championships ang Pilipinas sa taong 2027.