Agham at BIR Road sa QC, nais ipangalan kay Miriam Defensor-Santiago

Agham at BIR Road sa QC, nais ipangalan kay Miriam Defensor-Santiago

NAIS ipangalan sa namayapa nang si Senator Miriam Defensor-Santiago ang Agham Road at BIR Road sa Quezon City.

Sa House Bill No. 6576 nina Rep. Marvin Rillo at Arjo Atayde ng Quezon City at Isabela Rep. Tonypet Albano, nararapat lang na ipangalan kay Defensor-Santiago ang dalawang daan dahil sa malaking ambag nito sa Pilipinas.

Ayon sa tatlong kongresista, iilan sa mga nagawa ni Defensor-Santiago ay noong taong 1983 nang maging pinakabatang presiding judge ito sa Regional Trial Court ng Quezon City.

Siya rin ang kauna-unahang Pilipino at kauna-unahang Asyano sa United Nations na napili bilang judge sa International Criminal Court (ICC).

Follow SMNI NEWS in Twitter