BUMABA ang agricultural output ng Pilipinas sa 3rd quarter ng taon.
Tinatayang 3.7 percent ang ibinaba ng output ayon sa datos na ibinahagi ng Department of Agriculture (DA).
Pinaniniwalaang ang sunud-sunod na mga bagyo, El Niño at La Niña maging ang epekto ng African Swine Fever (ASF) ang rason ng pagbaba ng output.
Ngayon, bilang bahagi ng solusyon ay magtatayo ang ahensiya ng iba’t ibang imprastraktura gaya ng water impounding dams para mabawasan ang epekto ng climate change sa agri sector.
May babaguhin na rin sila sa rice cropping calendars at sisikapin nilang makakuha ng epektibong asf vaccine.