AGRI Party-list at PhilHealth, nagtulungan para sa health benefits ng mga magsasaka, mangingisda

AGRI Party-list at PhilHealth, nagtulungan para sa health benefits ng mga magsasaka, mangingisda

NAKIPAG-UGNAYAN ang AGRI Party-list sa PhilHealth upang mapaunlad ang information dissemination sa mga magsasaka, mangingisda at sa lahat ng Pinoy hinggil sa health benefits.

Nitong July 1 isinagawa ang paglagda sa memorandum of understanding sa Taguig City hinggil dito.

Ayon kay AGRI Party-list Wilbert Lee, “deserved” ng mga Pinoy ang magkaroon ng access sa ibat ibang health services at benefits kung kaya’t mainam ang pakikipag-ugnayan nila sa PhilHealth.

Sa panig ng PhilHealth, mayroon silang 466 billion pesos na investible funds at 68.4 billion pesos na net income maliban pa sa 100 billion pesos na government subsidy bawat taon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble