Agri, poultry products na walang permit, delikado –BOC

Agri, poultry products na walang permit, delikado –BOC

MAHIRAP kung walang phytosanitary permit ang isang agri product na dumarating sa Pilipinas.

Ito ang dahilan ayon kay Bureau of Customs (BOC) spokesperson Arnaldo dela Torre Jr. sa panayam ng SMNI News kung bakit hindi maaaring magdala dito sa Pilipinas ng agri o poultry products mula sa ibang bansa.

Ang ibang bansa ay may ganitong uri din aniya na patakaran.

Kasunod ito sa tangkang pagpuslit ng sibuyas at prutas ng 10 Philippine Airline (PAL) crew members mula Middle East.

11.5 kilos ang sibuyas at 6 kilos ng lemon ang nasabat mula sa mga crew ng Flight PR 655 mula Riyadh.

Ang crew naman ng Flight PR 659 mula Dubai ay 15.5 kilos ng sibuyas, 4.5 kilos ng lemon at isang kilo ng strawberries at blueberries ang nasabat mula rito.

January 10, 2023 nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Middle East ang dalawang flights.

Follow SMNI NEWS in Twitter