Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022, naisabatas na – OP

Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022, naisabatas na – OP

NAISABATAS na ang Republic Act 11901 o ang Agriculture, Fisheries and Rural Development Financing Enhancement Act of 2022.

Ito ang inanunsyo ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ngayong Biyernes sa kanyang Facebook post.

Nakasaad dito na makatutulong ang nasabing batas sa pagpalalago ng kita at produksyon ng mga manggagawa sa agrikultura at pagpapaunlad sa mga komunidad sa bansa.

Makatutulong din ito sa mas maraming magsasaka at mangingisda para makinabang sa financial programs ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Cruz-Angeles na katuwang ng DA ang Bangko Sentral ng Pilipinas para sa maayos na pagpatutupad ng naturang batas.

Follow SMNI NEWS in Twitter