Agriculture sector group, tiwala sa pamahalaang Marcos na mapapanormal ang presyo ng pangunahing bilihin

Agriculture sector group, tiwala sa pamahalaang Marcos na mapapanormal ang presyo ng pangunahing bilihin

TIWALA ang presidente ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na si Rosendo So na makokontrol ng administrasyong Marcos ang presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain.

Bagaman nagtaasan ang presyo ng ilan sa mga pangunahing bilihin tulad ng asukal, puting sibuyas, at iba pa sa nakaraang buwan, naniniwala pa rin si So na mano-normalize ang mga presyo nito.

“So far we expect na magno-normalize ang price itong this coming, susunod na labas ng PSA na price dun sa presyo ng baboy, presyo ng manok, itong presyo ng itlog na last month medyo tumaas ng malaki,” ayon kay So.

Ramdam naman ni So ang tugon ng pamahalaan pagdating sa sektor ng agrikultura sa pangkalahatan.

“Yeah, ‘yung communication between ng ating Pangulo with our industry malaking bagay iyon, and ‘yung susunod na hakbang na may komunikasyon ng DA saka ang local na producers. Malaking hakbang iyon para makita kung ano talaga ang balance ng ating production ang ano naman niya is ang ating Pangulo is towards our local production, ‘yung balance ng import. Iyon lang ang ipasok, sapat na local production ang tutulong ang ating local na producers,” dagdag pa ni So.

Follow SMNI News on Twitter