MAGIGING sentro ang agrikultura ng programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa programang Dito sa Bayan ni Juan sa SMNI.
“Ang agrikultura ay nadagdagan dahil ‘yun ang magiging sentro ng programa ng Pangulo, without considering also the importance of the other needs of the country. But, he wants to assure the country there will be enough food for the people which I think is the best program to take,” wika ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile.
Pinayuhan naman ni Enrile ang mga Pilipino na huwag munang ikumpara ang pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa loob ng 6 na taon dahil nasa 2 buwan pa lamang na nakaupo si Pangulong Marcos Jr.
Bukod pa rito, sinabi rin ni Enrile na magkakaroon din ng pinakamalaking budget ang edukasyon ng bansa.
Naniniwala naman si Mang Jess Arranza na walang masama kung magbigay ng opinyon ang mga tao hinggil sa hindi nabanggit na mga isyu ng lipunan tulad ng insurhensya.
“Ang punto ko rito is mayroon talagang, hindi porke sinabi ko na, ‘sana nabanggit’, eh masama ang aking opinyon sa tinalakay ng ating Pangulo. Pero, ang mga tao, may minsan, sasabihin natin, ‘naku, sayang, sana, natalakay, ‘yung insurgency sapagkat magkakaroon na naman tayo ng economic development sa ating kanayunan kapag maganda ang peace and order sa ating mga kanayunan,” ayon naman kay Mang Jess Arranza.
Dagdag pa ni Mang Jess, may ibang tao rin ang gustong mabanggit ang ‘Build, Build, Build’ program.
Ani Mang Jess, mas mainam talaga kung nabanggit ang isang sentimento ng isang tao para mas ma-reinforce ang solusyon sa isyu ngunit hindi ibig sabihin na kinokontra ang talumpati ni Pangulong Marcos Jr.