Ahensiya na magmo-monitor sa paggamit ng AI, ipinanukala

Ahensiya na magmo-monitor sa paggamit ng AI, ipinanukala

IPINANUKALA ng isang mambabatas na magkaroon ng ahensiya na siyang magmo-monitor sa paggamit ng artificial intelligence (AI) sa bansa.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, sa kaniyang ipinanukala na Artificial Intelligence Development Authority, dapat matiyak ang development at deployment ng AI technology.

Para maproteksiyonan na rin ang kapakanan ng lahat na mga indibidwal o komunidad na maaapektuhan sa AI.

Tinatayang 520, 000 na mga empleyado mula sa call centers, online marketing at search engine development, finance, health care organizations, transportation, at retail ang maaapektuhan ng AI.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter