BAGAMAT hindi nanalo bilang Miss Cosmo 2024 ay nakuha naman ni Ahtisa Manalo ng Pilipinas ang People’s Choice Award sa coronation night nitong Oktubre 5, 2024 sa Ho Chi Minh City, Vietnam.
Pinangalanan din itong Miss Cosmo Tourism Ambassador sa inaugural edition ng pageant.
Iyon nga lang, kahit nakapasok sa Top 10 ay bigo na itong makapasok sa Top 5 para magkaroon ng chance na makuha ang korona.
Sa kabila nito ay inihain na ng beauty queen ang kaniyang kandidatura bilang councilor ng Candelaria, Quezon sa pamamagitan ng isang representative sa kaparehong araw.