NAGKA-sprain ang ankle ni Ahtisa Manalo, ang representative ng Pilipinas sa kauna-unahang Miss Cosmo Pageant sa Vietnam, ilang araw bago ang schedule ng preliminaries sa Oktubre 2, 2024.
Sa pahayag ng Miss Philippines nitong Linggo, Setyembre 29, ito ang rason kung bakit absent sa ilang aktibidad si Ahtisa.
Subalit tiniyak naman nito na ligtas at nagpapahinga lang para sa preliminaries at coronation night ngayong Oktubre 5.
Sa ngayon ay hindi pa sigurado kung ang pagkasira ng stage habang isinasapinal ang main stage para sa Miss Cosmo 2024 noong Setyembre 28 ang dahilan ng sprain ni Ahtisa.