Ai-Ai delas Alas, binati ang UniTeam sa maliwanag na tagumpay ngayong eleksyon

Ai-Ai delas Alas, binati ang UniTeam sa maliwanag na tagumpay ngayong eleksyon

BINATI ng aktres na si Ai-Ai delas Alas ang maliwanag na pagkapanalo ng UniTeam ngayong halalan.

Sa Instagram post nito, sinabi ni Ai-Ai na naaaninag na  niya ang patuloy na pagbabago ng Pilipinas dahil sa pangunguna nina Bongbong Marcos Jr. at Inday Sara Duterte sa partial at unofficial tally mula sa Commission on Elections (COMELEC).

Ayon pa kay Ai-Ai, malaki ang posibilidad na mararanasan na muli ng mga Pilipino ang naranasan niya noong panahon sa administrasyon ng ama ni BBM.

Ibinida nya ang Nutriban, murang bayarin sa mga hospital, murang bilihin na pagkain, pabahay na disente at iba pa ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.

Hindi naman kinalimutan ni Ai-Ai na isabay sa kanyang pasasalamat na post si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang isa aniya sa magaling na presidente ng Pilipinas.

Follow SMNI NEWS in Twitter

 

Follow SMNI NEWS in Twitter