Air Europa flight, nakaranas ng turbulence; 40 katao, sugatan

Air Europa flight, nakaranas ng turbulence; 40 katao, sugatan

SUGATAN ang 40 katao matapos nakaranas ng turbulence ang Air Europa flight na mula Spain at papuntang Uruguay.

Bagamat may mga sugatan ay mainam nalang at ligtas naisagawa ng Flight UXO045 ang emergency landing sa Natal International Airport sa Brazil.

Tatlumpu ang nakatanggap ng medical care sa airport habang kailangan ng natitirang sampu ang madala sa ospital para sa karagdagang exams.

Nangyari ang insidente nitong Lunes, July 01.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble