Air Force personnel, pinarangalan sa pagligtas sa 96 indibidwal sa sunog sa Mandaluyong

Air Force personnel, pinarangalan sa pagligtas sa 96 indibidwal sa sunog sa Mandaluyong

PINARANGALAN ang anim na tauhan ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force na nagligtas sa 96 indibidwal mula sa nasusunog sa gusali sa Mandaluyong City noong Setyembre 2021.

Ginawa ang seremonya sa 4th Asian Defense & Security (ADAS) and Crisis Management Exhibition and Conference sa World Trade Center sa Pasay City.

Kabilang sa pinarangalan na mga Air Force personnel ay sina Major Cliford Mardicas, 1st Lieutenant Jezreel Panelo, Technical Sergeant Ruel Bilan, Technical Sergeant Arnold Marges, Staff Sergeant Dunhill Guanzon at Staff Sergeant Joey Lopez.

Naging posible ito dahil sa Lockheed Martin at Sikorsky, ang kumpanyang gumawa ng S-76A helicopter na ginamit ng mga rescuer para ilikas ang mga sibilyan.

Sa mensahe ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na binasa ni Defense Undersecretary Cardozo Luna, sinabi nito na bagama’t hindi humihingi ng parangal ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nagpapasalamat siya sa Lockheed Martin at Sikorsky sa pagkilala sa kabayanihan ng mga pinarangalang tauhan at lahat ng sundalo.

Follow SMNI NEWS in Twitter