Air passenger duty sa domestic flights, babawasan ng United Kingdom

Air passenger duty sa mga domestic flights nakatakdang bawasan ng Britanya sa ilalim ng plano ni Prime Minister Boris Johnson na lalo pang mapahusay ang koneksyon sa United Kingdom.

Pahayag ni Boris Johnson gusto niyang bumuo ng mas mahusay na koneksyon ang United Kingdom pagkatapos ng nangyaring krisis sa coronavirus.

Plano ni Prime Minister Johnson na maglunsad ng konsultasyon sa aviation tax para sa passenger flights mula sa UK airport.

Ito ay bahagi ng pagsisikap upang mapabuti ang koneksyon sa transportasyon sa pagitan ng England, Scotland, Wales at Northern Ireland.

Ang gobyerno ay nangako na maglalaan ng 20M dollars upang mabuo ang plano para sa proyektong ito na i-upgrade ang mga link ng tren, kalsada, sasakyang pandagat at himpapawid at upang alamin ang mga kailangan para mapunan ang emissions at ma-decarbonise ang aviation industry.

Kaugnay nito, ang pera ay igagastos din para sa pagunlad ng ibang proyekto kabilang sa proyektong ito ay ang pagpapahusay ng koneksyon sa pagitan ng North Coast of Wales at England, mas mabilis na link ng riles mula England patungong Scotland at pagsasaayos sa South-East Wales.

Samantala, General Secretary Manuel Cortes hinimok ang gobyerno na mamuhunan din para sa green public transport gaya ng riles na isa sa pinaka-mabisang ginagamit ng mga tao.

Ulat ng Network Rail boss na si Sir Peter Hendy, na nagsasagawa ng isang pagsusuri sa union connectivity, gumawa ng proseso na mas mapabuti pa at maikonekta ang lahat ng bahagi ng UK sa pamamagitan ng transportasyon.

Pahayag naman ni Sir Peter sa ulat na nag tanong siya sa dalawang experto upang pangunahan ang pagsuri sa posibleng paggawa ng tulay o lagusan sa pagitan ng Northern Ireland at ng British Mainland.

Itinakda ng ulat kung paano ang isang Strategic Transport Network ng UK ay maihatid at pagbawas ng pagkaantala at nagpapasigla ng paglago sa apat na mga bansa.

(BASAHIN: Bagong covid variant natagpuan sa United Kingdom)

SMNI NEWS