Air Traffic Management System ng CAAP, sisimulang i-upgrade sa Lunes

Air Traffic Management System ng CAAP, sisimulang i-upgrade sa Lunes

NAKATAKDANG ipatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang upgraded version ng Communications, Navigation, Surveillance/Air Traffic Management (CNS/ATM) system sa Setyembre 30, o araw ng Lunes.

Ayon sa CAAP, layunin ng pagpapahusay sa kanilang ATMS na gawing moderno at pahusayin ang kakayahan at katatagan ng sistema.

Ang pagpapahusay na ito ay naglalayong magbigay ng mas mahusay na mga operasyon sa trapiko sa himpapawid, bawasan ang mga pagkaantala, at mapabuti ang pangkalahatang karanasan para sa mga airline at mga pasahero.

Ang bagong software para sa ATMS ay binuo ng Thales, isang kompanya na nagbibigay ng mga solusyon sa teknolohiya para sa iba’t ibang industriya, kabilang ang aviation.

Kinumpirma ni CAAP spokesperson Eric Apolonio na ang pag-install at pag-update ng software ay magkakaroon ng kaunting epekto sa mga iskedyul ng flight, na nakatakdang gawin sa mga oras na kaunti pa lang ang operasyon ng flight.

Samantala, ang communication, navigation, at surveillance equipment para sa air traffic operations ay mananatiling gagana.

Maaari din itong isagawa sa madaling araw ng Lunes.

“Madaling araw talaga parang walang maapektuhang flights, tsaka ang focus naming wag maapektuhan ang mga domestic, kasi ‘yan ang maraming pasahero,” ayon kay pahayag ni Eric Apolonio, Spokesperson, CAAP.

Naabisuhan na rin ng CAAP ang mga airline hinggil sa nasabing pag-upgrade at pag-install ng software.

Araw ng Biyernes, sisimulan na rin nilang mag-isyu ng Notice to Airmen (NOTAM) para ipaalam sa mga airline at stakeholder ang nasabing aktibidad.

“Naabisuhan na ang airlines kahapon pa so ibig sabihin, ang mga airlines sasabihan na nila ang mga pasahero nila kung during that time magkakaroon ng disruption o delay, masasabihan na kaagad, ma-inform na in advance ‘yung mga pasahero,” dagdag ni Apolonio.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble