Air travellers na papasok at palabas ng Malaysia kinakailangan nang mag-fill-up ng Customs form

Air travellers na papasok at palabas ng Malaysia kinakailangan nang mag-fill-up ng Customs form

INANUNSYO ng Civil Aviation Authority sa Malaysia (CAAM) na ang mga air travellers na papasok at palabas ng bansa ay kinakailangang punan ang Customs form.

Ayon kay CAAM Chief Executive Officer Datuk Captain Chester Voo, ang Royal Malaysian Customs Department sa pamamagitan ng isang liham na may petsang Setyembre 5 ay nakasaad na ang deklarasyon ng Customs Form No. 7 ay kinakailangan sa ilalim ng Section 103 ng Customs Act 1967.

Bukod pa rito, kinakailangang ipaalam ng lahat ng airline sa mga pasahero ang pag fill-up ng form at pagsumite nito sa Customs officer pagdating sa airport.

Ang bawat manlalakbay na papasok ng bansa ay kinakailangang ideklara ang lahat ng dutiable at prohibited goods, gayundin ang mga pera na nagkakahalaga ng lagpas sa US$10,000.

Ang deklarasyon ay dapat gawin sa pamamgitan ng Customs Form No. 7 at isumite sa Royal checkpoint ng pagsusuri sa Malaysian Customs Department (RMCD).

Available ang Customs Form No. 7 sa counter ng RMCD.

Pinaaalalahanan din ang mga manlalakbay na anumang maling deklarasyon o hindi pagdedeklara ay isang pagkakasala sa ilalim ng batas ng Malaysia.

Follow SMNI NEWS in Twitter