HABANG papalapit ang Lunar New Year, itinatampok ng AirAsia Philippines ang kanilang mga international destination bilang nangungunang pagpipilian para sa mga manlalakbay na naghahanap ng mga cultural celebration para salubungin ang kaganapang ito.
Sinabi ng AirAsia Philippines na nakararanas na sila ng pagtaas sa bilang ng mga booking, at mayroong 220,000 pasahero na naglakbay patungo sa mga sikat na destinasyon tulad ng Japan, Hong Kong, Incheon, Taiwan, at Kuala Lumpur sa pagitan ng Enero at Pebrero.
Kilala sa kanilang mga iconic na Chinatowns, ang mga destinasyong ito at madaling mapupuntahan sa pamamagitan ng abot-kaya at maginhawang koneksyon ng AirAsia Philippines.
Ayon kay AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Head First Officer Steve Dailisan, ikinalulugod nila ang patuloy na demand sa paglalakbay kahit na lampas na ang kapaskuhan.
Habang papalapit na ang Lunar New Year, ipinagmamalaki rin ng airline na ikonekta ang kanilang mga bisita, lalo na ang masiglang Filipino-Chinese community sa puso ng mga pagdiriwang sa buong ASEAN at higit pa.
“We are delighted by the sustained travel demand we’re witnessing even beyond the post- holiday season. As we approach the lunar new year, we take pride in connecting our guests, most especially the vibrant Filipino-Chinese community to the heart of celebrations across ASEAN and beyond,” ayon kay Steve Dailisan.