AirAsia, magsasagawa ng system upgrade na makakaapekto sa online transactions

AirAsia, magsasagawa ng system upgrade na makakaapekto sa online transactions

INANUNSIYO ng AirAsia Philippines na magkakaroon sila ng system upgrade mula 7:00PM ng July 10 hanggang 3:00 AM ng July 11 na makakaapekto sa lahat ng online transactions mula sa mga booking, check-in procedures, online kiosk, at bag drop sa lahat ng AirAsia-operated airports.

Sinabi ni AirAsia Head of Communications and Public Affairs at First Officer Steve Dailisan na ang online services sa pamamagitan ng AirAsia MOVE app, gaya ng manage booking, check-in, payment para sa existing bookings, at iba pang add-ons at purchases ay pansamantalang hindi magagamit.

Sa panahong ito, pinapayuhan ang mga bisita na dumiretso sa mga check-in counter para makuha ang kanilang printed boarding passes.

“All our systems will be down sa airport. So, before the system upgrade we will print the boarding passes etc. and distribute to passengers as they check-in,” ayon kay First Officer Steve Dailisan, Head of Communications and Public Affairs, AirAsia Philippines.

Paliwanag pa ni Dailisan na kabilang sa system upgrade ng AirAsia ang pag-update ng New Skies software nito upang mas Lalo pang mapabilis ang lahat ng online transaction mula sa booking, pagbabayad, pagbabago sa flight schedule, check-in at pagbili ng mga add-on, na nagbibigay sa mga bisita ng pinahusay na karanasan.

Makakaasa rin ang mga bisita ng AirAsia ng karagdagang add-on features sa AirAsia MOVE app na bunga sa isasagawang system upgrade.

“AirAsia’s system upgrade which includes the updating of its New Skies software is expected to fast track all online transactions (mobile app and on ground) from booking, payment, flight schedule modification, check-in and purchase of add-ons, providing guests with enhanced customer experience. Guests can also expect more add-on features with the AirAsia MOVE as a result of the system upgrade,” dagdag pa ni Dailisan.

Pinapayuhan din ng AirAsia Philippines ang mga bisitang nangangailangan ng medikal at iba pang special assistance na dumating sa paliparan nang mas maaga pa sa 7:00 PM ng July 10 upang mas maayos silang maasistehan.

Samantala, tiniyak din ng Low-Cost Airline na walang maapektuhang flights sa mismong araw na isasagawa ang system upgrade.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble