AirAsia, muling nagpaalala ng maagang pag-fill out ng eTravel card ng mga pasaherong dumarating sa paliparan

AirAsia, muling nagpaalala ng maagang pag-fill out ng eTravel card ng mga pasaherong dumarating sa paliparan

MULING nagpaaalala ang AirAsia Philippines sa mga pasaherong dumarating sa paliparan galing ibang bansa na gawin ang pag fill out ng kanilang electronic travel declaration o ng  eTravel card, 3 araw bago ang kanilang flight papunta ng Pilipinas.

Maraming mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dumarating galing abroad ang naantala dahil sa hindi pagsunod ng nirerequire na eTravel Card ng bansa.

Aminado si AirAsia Philippines Deputy Spokesperson Carlo Carongoy na simula nitong buwan ng Enero 2023, 20% sa kanilang mga pasahero na dumarating galing ibang bansa ay walang naipapakitang e-Travel.

Ito kasi ang pangunahing requirements ng Pilipinas sa mga dumarating na pasahero kapalit ng One Health Pass.

Sa halip na dederetso ang mga pasahero sa Immigration counter ay hahanapan muna sila ng One-Stop Electronic Travel Declaration o eTravel Card.

Pero dahil ang ibang pasahero ay hindi nakakasunod sa patakaran ay saka pa lamang nila ito gagawin mismong pagdating sa paliparan.

Kaya panawagan ng AirAsia Philippines, para hindi maantala, dapat nila itong gawin 3 araw bago ang flight papunta ng Pilipinas.

Samantala dahil sa inaasahang mataas ang demand ng mga pagbibiyahe abroad, alinsunod sa pahayag ng Department of Tourism na 4.8 milyong turista ang inaasahang dadagsa sa Pilipinas ngayong taon.

Nagdagdag na rin ng ruta ang naturang airlines sa unang quarter ng taon 2023, kabilang ang biyahe patungong Japan at China.

“So unti-unti po ang destination sa China binubuksan na po natin,” saad ni Carlo Carongoy, Deputy Spokesperson, AirAsia, Philippines.

Samantala, may paalala naman ang world’s best low-cost airline na ugaliin ang pag bisita sa AirAsia Super App. para laging updated sa mga flight na murang pasahe.

Follow SMNI NEWS in Twitter