AirAsia, nagkaroon ng Labor Day mass pilot hiring

AirAsia, nagkaroon ng Labor Day mass pilot hiring

HALOS nasa 70 mga piloto ang umaasang mabibigyan ng pagkatataong maging pamilya ng AirAsia Philippines.

Ito’y kasunod ng isinagawang mass pilot recruitment ng AirAsia Philippines araw ng Martes, Abril 30, 2024 bilang paggunita ng World’s Pilot at Labor Day.

Sinabi ni AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Head and First Officer Steve Dailisan na malaki ang epekto ng pandemya sa seguridad sa trabaho sa industriya ng mga piloto.

Bilang tugon, ang World’s Best Low-Cost Airline ay nakatuon sa pagpapalaki ng pilot force nito hindi lamang para tugunan ang tumataas na pangangailangan sa paglalakbay ngunit para din magbigay ng pagkakataon at matupad ang mga pangarap para sa mga naghahangad na piloto.

Sa kasalukuyan, ipinagmamalaki ng AirAsia Philippines ang 138 Captains at 116 First Officers.

Depende sa resulta ng examination ng mga piloto ang maaring tatanggapin ng AirAsia hindi bababa sa 25 piloto ang kailangan nila sa unang batch ng hiring.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble