ILILIPAT na ang lahat ng domestic flights ng AirAsia Philippines sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal-2 mula sa Terminal-4 at Terminal-3 simula sa Sabado, Hulyo 1, 2023.
Ito ang tiniyak ng AirAsia Philippines na ang bagong terminal assignment ng lahat ng kanilang domestic flights na itinakda sa Hulyo 1 ay makararanas ng kaginhawaan ang kanilang mga pasahero.
Ito ang magiging bagong tahanan ng AirAsia Philippines para sa kanilang mga pasahero na may domestic flights mula Manila.
Sa panayam kay AirAsia Philippines CEO at President Ricky Isla, tatlong buwan na ang nakararaan ay handa na ang naturang air carrier sa bagong terminal assignment nito.
Hindi lang sa chek-in counters handa ang AirAsia, kundi pati na rin ang kanilang engineers, pilots, mechanics at ang puspusang training na ginagawa ng kanilang mga cabin crew.
Ayon din kay Isla, mayroon din silang regular communication, notification o email notification para ipabatid sa kanilang mga pasahero sa bagong terminal assignment para sa domestic flight.
Kung dati-rati nasa 11 check-in counter lamang ang mayroon ang AirAsia sa NAIA Terminal-4.
Ngayon ay mayroon na silang 20 check-in counters sa bagong paglilipatan sa South Wing sa NAIA Terminal-2 at mayroon din silang 7 Aero Bridges upang hindi na mahihirapan ang mga pasahero na umakyat at bumaba ng hagdanan para lamang makasakay ng eroplano.
Sa paglilipat ng AirAsia Philippines sa NAIA Terminal-2 inaasahan na aabot sa 15-K hanggang 17-K pasahero ang dadagsa mula sa 80-90 flights para sa domestic destination bawat araw.
Bukod sa AirAsia kasabay rin ang Royal Air na lilipat sa Terminal-2.