AirAsia PH, magbibigay ng 20% diskuwento sa lahat ng flight destination

AirAsia PH, magbibigay ng 20% diskuwento sa lahat ng flight destination

GAGANAPIN ng AirAsia Philippines ang kanilang Ika-32nd Travel Tour Expo 2025 sa SMX Convention Center sa Pasay City mula Pebrero 7-9, kung saan mag-aabot ng sila malalaking tipid sa mga dadalo rito.

Makakukuha ang mga dadalo sa expo ng 20% discount sa lahat ng mga flight patungo sa anumang destinasyon ng AirAsia Philippines.  Sakop nito ang mga biyahe mula Pebrero 17, 2025 hanggang Marso 28, 2026.

Bukod pa sa diskuwento sa airfare, mayroon ding mga alok sa bagahe: hanggang 15% discount sa 25kg at 30kg na bagahe, at 20% naman sa 40kg, 50kg, at 60kg na bagahe.

Para sa mga gustong makatipid sa mga hotel, may hanggang P650 na discount ang AirAsia Move sa hotel bookings, o P720 na discount sa snap bookings para sa mga flight at hotel.

Mayroon ding pagkakataon na kumita at magamit ang AirAsia rewards points.

Ayon kay AirAsia Philippines CEO Ricky Isla, layunin nilang maging one-stop-shop para sa mga pangangailangan sa paglalakbay, mula airfare at hotel hanggang sa bagahe at in-flight meals.

Mahalaga rin sa kanila ang pakikipagtulungan sa Philippine Travel Agencies Association (PTAA) upang gawing mas abot-kaya ang paglalakbay para sa lahat.

Bisitahin lang umano ang AirAsia booth sa Expo para sa mga detalyadong alok.

Our goal is to seamlessly provide travelers with one-stop-shop air travel promos–from airfares and hotels to baggage and in-flight meals that will allow guests to plan, optimize and get best value deals throughout their travels. We deeply value our collaboration with the PTAA. Our shared commitment of making air travel more accessible and purposeful ensures that the world is within everyone’s reach,” pahayag ni Ricky Isla, CEO, AirAsia Philippines.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter