AirAsia PH tumanggap ng 2 parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards 2022

AirAsia PH tumanggap ng 2 parangal sa Asia-Pacific Stevie Awards 2022

NAGWAGI ng Gold Stevie® Award para sa Innovation in Lifestyle Videos category sa ikasiyam na taunang Asia-Pacific Stevie Awards 2022 ang AirAsia.

Ang Allstars at Your Service (AYS), ang pioneering at tanging online aviation magazine show sa Pilipinas ang nakasungkit ng Gold Stevie Award na bahagi sa programa ng AirAsia.

Ang naturang airline din ang ang nag-iisang nagwagi sa kategoryang ito sa buong Asia-Pacific.

Bukod dito nasungkit din ng world’s best low-cost airline ang Bronze Stevie® Award para sa content at influencer program nito na #AirlineOfTheStars na siyang bentahe sa malakas na partnership ng airline sa mahigit 35 showbiz at social media a-listers.

Ang Allstars at Your Service (AYS) ay isang magazine show na tampok ang mga nangungunang leisure destination at impormasyon sa mahalagang paglalakbay upang magbigay ng inspirasyon at kaalaman sa mga manonood kung saan pupunta pagkatapos ng pandemic.

Samantala, ang #AirlineOfTheStars campaign ay makabuluhang nagpalakas ng kumpiyansa ng mga Pilipino sa domestic travel sa pamamagitan ng malikhaing pakikipagtulungan sa mga celebrity influencer ng airline.

Higit sa lahat, binigyang-diin ng campaign na ang celebrity-type flight experience ay available para sa lahat ng bisita ng AirAsia.

BASAHIN: Ilang kompanya ng eroplano nagdagdag ng domestic flights

Follow SMNI News on Twitter