AirAsia Philippines: Mahigit 50,000 ticket, naibenta para sa darating na Undas

AirAsia Philippines: Mahigit 50,000 ticket, naibenta para sa darating na Undas

MAAGA pa lang nagplano na ang mga pasahero ng AirAsia Philippines na mag-book para gunitain ang Undas.

Tinitiyak kasi ng mga manlalakbay ang maaga na pag-book para mas makatipid at maiwasan ang anumang mga huling minutong abala.

Sa huling tala ng AirAsia Philippines mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 3, higit 50,000 ticket na ang kanilang naibenta para sa darating na Undas.

Inaasahan din ng naturang airline na mas tataas pa ang bibili ng ticket sa paglalakbay sa mga susunod na araw.

Kabilang sa mga nangungunang destinasyon na may kumbinasyon ng domestic at international locations ay ang:

  1. Boracay
  2. Cebu
  3. Taipei
  4. Bohol
  5. Tacloban
  6. Puerto Princesa
  7. Incheon
  8. Narita
  9. Iloilo
  10. Bangkok

Sinabi naman ni AirAsia Philippines Communications and Public Affairs Head First Officer Steve Dailisan, ang mga beach destination ay talagang patok sa mga domestic traveler, pero ang mga bansa na may shopping, food, at cultural experiences ay patuloy na nagpapasaya sa mga international guests.

“Based on our top 10 routes, beach destinations remain a favorite for domestic travelers, while countries that offer a mix of shopping, food, and cultural experiences continue to excite our international guests,” pahayag ni Steve Dailisan – Communications and Public Affairs Head First Officer, AirAsia Philippines.

Samantala, may paalala naman ang AirAsia para sa kanilang umiiral na patakaran sa bagahe.

Pinapayagan ang mga pasahero na mag-hand carry na aabot sa 7 kg lamang, isang maliit na bagahe o backpack, at isang hand o sling bag.

Kung balak mong mag-uwi ng mga regalo o pasalubong mula sa iyong paglalakbay, ipinapayong i-upgrade ang iyong check-in baggage na maaari lamang hanggang 60 kg.

Tandaan din ang listahan ng mga ipinagbabawal na items para maiwasan ang abala sa pagbibiyahe.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble