MULING kinoronahan ang AirAsia bilang World’s Best Low Cost Airline sa Skytrax World Airline Awards 2022 para sa ika-13 magkakasunod na taon.
Ang Skytrax World Airline Awards 2022 ang itinuturing na Global Benchmark of Airline Excellence.
Sa pamamagitan ng isinagawang survey, 14.3 million customers sa mahigit 100 nationalities ang bomoto kasama sa 300 airlines mula September 2021 hangang August 2022 kung saan nangunguna pa rin ang AirAsia.
Ang award ay tinanggap ni Tony Fernandes ang CEO of Capital A sa Langham Hotel ng London noong Biyernes.