MATAPOS ang mahabang bakasyon noong nakaraang kapaskuhan, inaasahan ng local airlines gaya ng AirAsia Philippines, Cebu Pacific, at Philippine Airlines ang patuloy na pagdagsa ng mga pasahero simula ngayong Enero.
Marami sa mga Pilipino ang nag-extend ng kanilang bakasyon sa mga probinsya kahit natapos na ang holiday season.
Dahil dito, inaasahan din ang mahabang pila sa mga check-in counter ng mga airline, lalo na sa mga destinasyong may mga festival tulad ng Kalibo, Cebu, at Bohol.
Maaaring umasa ang mga pasahero sa abot-kaya at maayos na paglalakbay.
Ang kamakailang advisory mula sa Civil Aeronautics Board ay nakatutulong hinggil sa fuel surcharge na nagsisiguro ng katatagan sa presyo ng mga tiket.
Maaaring maningil ang mga airline ng fuel surcharge na mula 117 pesos hanggang 342 pesos para sa mga domestic flight depende sa distansya, at mula 385 pesos hanggang 2,867 pesos para sa mga international flight.