Airport at Seaport development projects, sunod-sunod na pinasinayaan

Airport at Seaport development projects, sunod-sunod na pinasinayaan

SUNOD-SUNOD na ininspeksyon at pinasinayaan ni Pangulong Rodrigo Duterte kasama ang Department of Transporation ang mga bagong Airport at Seaport development projects sa iba’t ibang panig ng Pilipinas.

Nitong Lunes, November 22 ay pinangunahan ni Pangulong Duterte ang pag-inspeksyon sa mga development projects sa General Santos Airport kabilang ang expanded passenger terminal building at CAAP administration building, at ang Port operations building ng Port PF Makar.

Pinangunahan din ng Pangulo ang sabay-sabay na pagpapasinaya sa walong Seaport projects sa iba’t-ibang lungsod at munisipalidad sa probinsya ng Occidental at Oriental Mindoro noong November 18.

Kabilang na dito ang mga pantalan sa Calapan, Balatero, Roxas, Mansalay, Bulalacao, Bansud, at Abra de Ilog sa Mindoro.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.