Airport guard, ibinalik ang wallet ng isang Japanese na naglalaman ng 1.5-M yen

Airport guard, ibinalik ang wallet ng isang Japanese na naglalaman ng 1.5-M yen

IBINALIK ng isang security guard ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang nakita nitong wallet na naglalaman ng 1.5 million yen sa isang biyaherong Japanese.

Kinilala ang guard na si Crispin Toquero na kasalukuyang nasa routine duty nito sa NAIA Terminal 2 arrival area nang makita nito ang nasabing wallet.

Napansin ni Toquero ang wallet sa lapag sa labas ng NAIA Terminal 2 Customs Zone at malapit sa ilang money exchange boots kung saan agad nitong tinanong ang airport police na gamitin ang public address system ng NAIA upang ipaalam sa pasahero ang kaniyang nakitang wallet.

Ang biyaherong Japanese naman na si Kiyoshi Fukasawa ay humingi rin ng tulong sa awtoridad patungkol sa kaniyang nawawalang wallet at nagawa nitong makapunta sa airport police at nailarawan ang nilalaman ng kaniyang pitaka.

Sa huli ay matagumpay na naibalik ang pitaka kay Fukasawa sa tulong na rin ng kasama nitong Pinay na tumestigo para sa hapon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter