PATULOY ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) upang mabantayan ang sitwasyon ng mga bulkan sa bansa.
Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, inatasan niya ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at ang Regional Offices ng OCD na maghanda sa anumang posibilidad na magpatuloy ang pag-aalburuto ng mga bulkan.
Partikular na tinututukan ng OCD ang Bulkang Mayon na nakataas sa Alert Level 2 at Bulkang Taal na nasa Alert Level 1.
Sinabi ni Nepomuceno na bagama’t wala silang nakikita “major eruption” ay naglalatag sila ng mga kaukulang paghahanda.
Nais aniya nilang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang anumang pinsala at casualty.