Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba sa higit 12k

Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, bumaba sa higit 12k

BUMABA sa 12,376 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos makarekober sa COVID-19 infection ang 638 indibidwal habang 12 naman ang nasawi batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Nakapagtala naman ang DOH ng 467 na bagong kaso ng COVID-19 nitong linggo.

Base naman sa tala ng DOH sa nakalipas na 2 linggo, naiulat sa National Capital Region (NCR) ang pinakamaraming kaso.

Sunod ang Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.

Samantala, bumaba pa ang naitalang COVID-19 positivity rate sa bansa.

Sa huling update ng OCTA research, mula sa 5.7% nitong Sabado ay bumaba pa sa 5.5% kahapon.

Ang positivity rate ay ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuoang bilang ng mga indibidwal na isinailalim sa COVID test sa isang lugar.

Follow SMNI NEWS in Twitter