Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 10k na lang

Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 10k na lang

MAGKAKASUNOD na apat na araw na higit 10k na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa batay sa huling tala ng Department of Health (DOH).

Nakapagtala rin ang DOH ng 399 na bagong kaso nitong Linggo.

Habang 377 ang nakarekober at 14 ang nasawi.

Naitala ang pinakamaraming kaso sa National Capital Region (NCR) na may 104, sunod ang Negros Occidental, Rizal, Davao del Sur, Iloilo, Cavite, Palawan, Batangas at Davao del Norte.

Sa ngayon, ayon sa OCTA ay 2.7% ang positivity rate ng Pilipinas sa COVID-19.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter