Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, tumaas

Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, tumaas

BAHAGYANG tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa sa 17,675.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 1,232 na bagong kaso nitong Linggo.

Ang mga bagong kaso ay karamihang naitala sa National Capital Region (NCR), Negros Occidental, Cebu, Iloilo, Benguet, Laguna, Davao del Sur, Cavite, Misamis Oriental at Pangasinan.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 621 na nakarekober habang 27 naman ang naitalang bagong nasawi.

Ayon naman sa OCTA Group, nasa 10.6% ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter