ISINAGAWA ng aktor na si John Manalo ang isang ‘Raffle For a Cause’.
Ang malilikom na pondo ayon sa aktor ay para sa kanyang kaibigan na si Sherwin Buenvenida, dating “Goin’ Bulilit” writer na may lung cancer.
Kasama sa kanyang pina-raffle ay ang kanyang classic bike at vintage camera.
Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng aktor na bagamat importante ang mga nasabing gamit sa kanya, hindi pa rin aniya nito matutumbasan ang naging tulong na naibigay ni Sherwin sa kaniya at maging sa ibang tao.
Sa ngayon, nananawagan din si Manalo sa lahat ng may kakayanan na makatulong upang makalikom nang sapat na pera para sa operasyon ng former Goin’ Bulilit writer.