KALIWA’T-kanang pamimigay ng tulong at serbisyo ang handog ni San Jose del Monte City Lone District Congressman Florida Robes sa ilalim ng kaniyang “Alagang Ate Rida” program.
Mula sa mga indibidwal hanggang sa organisasyon at eskuwelahan, naging masinop ang programa sa pagbibigay pag-asa sa mga nawalan hanggang sa maiahon ang mga ito mula sa kahirapan.
Sa katunayan, nito lamang nakaraang huling linggo ng buwan ng Mayo nang ipagkaloob ng mambabatas ang pinansiyal na tulong sa kaniyang mga nasasakupan sa pakikipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Samantala, bukod sa pinansiyal, pangunahing programa rin ng kanilang lungsod ang kalusugan lalo na sa mga nakatatanda na itinuturing niyang yaman ng komunidad.
Kasabay nito ang kaliwa’t kanang pamamahagi ng libreng gamot at wheel chair para sa mga may karamdaman.
Sa ngayon patuloy ang kaniyang pangunguna sa progreso ng kaniyang mga nasasakupan gaya ng mga paggawa ng mga daan, tulay, parke, pabahay at mga pangkabuhayan na sapat para sa pangangailangan ng mga residente nito.