NAKABAWI na ang Alas Pilipinas Women mula sa pagkatalo kontra Vietnam sa 2025 VTV Cup.
Sa naging laban nila nitong Lunes, Hunyo 30, 2025, natalo nila ang Chinese team sa iskor na 25-12, 25-22, 19-25, 25-15.
Makukuha ng Pilipinas ang second-place seeding sa Pool A at aabante ito sa crossover quarterfinals kung matatalo nila ang Australia.
Ang 2025 VTV Cup ay nag-umpisa noong Hunyo 28 at magtatapos hanggang Hulyo 5, 2025 sa Vietnam.