HIGIT na mas mataas ang export ng produktong alcohol ngayong taon sa Bolivia na umabot sa US$22 million kung ikumpara sa nakaraang taon na nakapagtala lamang ng US$17.1 million.
Ito’y matapos tumaas ang demand ng nasabing produkto bunsod na rin sa inirekomenda ng World Health Organization (WHO) para sa pag-disinfect ng kamay.
Ayon kay Oscar Alberto Arnez, pangulo ng National Confederation of Cañeros de Bolivia (Concabol), katanggap-tanggap ang presyo ng alcohol sa ibang bansa kaya inaasahang magkakaroon ng produksyon ng aabot sa 180 milyong litro.
Taong 2019, nag-i-export ang Bolivia ng ethyl alcohol sa walong bansa kungsaan pangunahing pinatutunguhan nito ang Netherlands (Holland) na may kabuuang 28%, sumunod ang Switzerland na may 25% at Colombia 23%.
Ang Santa Cruz ang nangungunang lugar sa Bolivia na nagbebenta ng ethyl alcohol sa ibang bansa.