Alcohol, huwag iwanan sa mga sasakyan – MMDA

Alcohol, huwag iwanan sa mga sasakyan – MMDA

NAGPAALALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista na huwag iwanan ang kanilang alcohol sa loob ng sasakyan ngayong summer season.

Paliwanag ng MMDA, flammable ang alcohol kaya posible itong maging sanhi ng aksidente.

May posibilidad na sumabog ang bote ng alcohol kung umiinit ang temperatura sa loob ng sasakyan tuwing nakapatay ang makina.

Abiso pa ng MMDA, mas mainam na ilagay ang kanilang bote ng alcohol sa mga lugar na may temperatura na hindi lalampas sa 30 degrees celsius.

Follow SMNI NEWS in Twitter