FULFILLED na nga ang pangarap ng yumaong ina ni Alden para sa kanya na maging isang artista, kaya naman this time, tutuparin naman ng aktor ang pangarap ng kanyang ama na maging isang piloto.
Successful na nga sa entertainment industry si Alden, mula sa kanyang successful role sa iba’t ibang pelikula, lalo na ang Hello, Love, Goodbye na isang highest grossing Filipino-film of all time.
Hindi lang lamang sa facecard ang aktor dahil napatunayan niya ang kanyang galing sa pag-arte.
Pangarap nga ng kanyang ama na si Richard Faulkerson Sr. na makapagtapos siya ng pag-aaral kaya excited siya sa opportunity dahil bibigyan siya ng scholarship ng isang aviation school sa Clark Pampanga para matupad niya ang kanyang pangarap.
Goal naman ni Alden na matapos niya this year ang kurso.
Sa mundo ng pageantry…
Today na ang kick-off ng “Royal Tour of Asia” ni Miss Universe Asia Chelsea Manalo kasama ang kapwa continental queens.
Sa announcement ng official instagram ng Miss Universe nitong linggo, inanunsyo na magsisimula ang kanilang Royal Tour sa Thailand mula March 31 hanggang April 25. At on the way to the Philippines naman sa April 26 hanggang May 3.
Nakuha ni Chelsea ang title na Miss Universe Asia, Miss Universe Europe & Middle East naman si Matilda Wirtavouri ng Finland, Miss Universe Americas si Tatiana Calmel mula Peru, at Miss Universe Africa & Oceania naman si Miss Nigeria, Chidimma Adetshina.
Ipinakilala ang mga titles na ito sa Miss Universe 2024 upang kilalanin ang iba’t ibang global representation ng mga contestants.
Highlights sa mga titles ang diversity inclusion ng pageant na nagbigay-daan sa iba’t ibang rehiyon na magningning sa international stage.
Bagama’t hindi pa offcial ang mga location ng kanilang pagbisita sa bansa maaari naman i follow ang official account ng miss universe to keep you updated.
Follow SMNI News on Rumble