Alec Baldwin, nakipag-ayos sa pamilya ng nasawi sa pelikulang ‘Rust’

Alec Baldwin, nakipag-ayos sa pamilya ng nasawi sa pelikulang ‘Rust’

NAABOT na ng American actor na si Alec Baldwin ang isang civil settlement sa pamilya ng babaeng nabaril niya sa isang set ng pelikulang ‘Rust’ noong nakaraang taon.

Ayon sa aktor hindi niya akalain na may kakasuhan ng isang fatal shooting sa nasabing pelikula.

Matatandaan na si Baldwin ay nagrehearse para sa pelikula nang sinubukan niya ang isang Colt gun at di akalain na maglabas ito ng live round na tumama kay cinematographer Halyna Hutchins at ito’y ikinamatay niya.

Sa IG post ni Baldwin inihayag niya ang kagalakan sa naging settlement sa isang civil case na isinampa sa ngalan ng pamilya ng nasawi.

Tiniyak naman ni Baldwin na gagawin nila kung ano ang ikabubuti para sa anak at pamilya nito.

Samantala magpapatuloy ang produksyon sa nasabing pelikula ngayong Enero, kung saan ang asawa ni Hutchins na si Matthew Hutchins ang gaganap bilang executive producer.

Ayon sa asawa ng nasawi, wala umanong interes na makisali ito sa mga recriminations o attribution of blame dahil alam naman ng lahat na ang pagkamatay ni Halyna ay isang aksidente lamang.

 

Follow SMNI News on Twitter